Oct
20
2008

Bituing Walang Ningning

Tiya Sioning: Hoy Dorina Pineda, iisa lamang ang Lavinia Arguelles

Dorina: magiging dalawa kami tiyang

********

Niko: Matagal kang mawawala?

Lavinia: Hindi ka ba sasama sa akin? Bakit? Hindi ka pwedeng umalis.. Kelangan ka ng negosyo mo.. Well that’s sad.. busy ka busy din ako

********

Lavinia: Marami pa akong dapat gawin niko. Tatapusin ko pa ang kahibangan ng mga budding singers na gustong umagaw sa puwesto ko

********

Lavinia: Hindi nakakasawa ang pagkanta at lalong hindi nakakasawa ang liwanag… I tell you if only you could  feel how it is to be up there on center stage.. under the lights. Niko maraming dugo at pawis ang pinuhunan ko para marating ko ang kinaroroonan ko ngayon. Hindi ako dapat bumaba at mawala. Kailangan pa ako ng madla. There will never be another Lavinia Arguelles.

********

Lavinia: Ang gagang sampaguita vendor… scene stealer ang loka..natatandaan mo ba iyong eskandalong ginawa nya sa TV station? iyong nag-guest ako.. ngayon nagpasagasa pa. She’s riding on my popularity ha.. That publicity-crazed idiot

********

Dorina: alam nyo Mr. Escobar sa araw ng kasal nyo, sarado pa ang simbahan andun na ko.

********

Niko: Kahapon nga pala nagpunta kami sa shop ni Ricky Jimenez. Sabi ni Ricky sya na raw ang gagawa ng wedding gown mo

Lavinia: Wala akong balak magsuot ng wedding gown for a costume sa concert ko sa States.

Niko: Hindi mo pipirmahan ung contract na iyon. Hindi ka aalis. We are getting married.

Lavinia: Di ikaw ang magsuot ng wedding gown ni Ricky Jimenez

********

Lavinia: Kung pakakasal ako sa iyo Niko dalawang kundisyon. Una hindi ako titgil sa pag awit. Hindi kita maaasikaso. Ako ang aasikasuhin mo. Pangalawa, hindi tayo mag-aanak.

Niko: Sandali may diperensya ka ba?

Lavinina: Basta ayokong magkaanak. Pwede akong magkakaanak kung gusto ko ang kaso lang ayoko e

Niko: Teka wag mong ibigay sa akin ung matagal ng alibi ng mga babae na ang mga anak istorbo na nakakasira ng figure. That’s nonesense.

Lavinia: E kung may magmana sa akin.. ayokong may makatulad kahit pa anak ko

Niko: You’re a real monster.

Click to enlarge photo

Christopher de Leon

********

Dorina: Nakaalis na ho sila sir… hahabol po ba kayo sa airport?

Niko: hindi na.. pagkakataon na ang nagsabing huwag na kaming magkita…

********

Sosimo: Ganyan naman talaga ang mga taga showbiz di ba? nalalasing sa tagumpay. Nasisilaw sa sariling ningning. Ikaw kasi matindi ang pinili mo. Nagsosolo sa taas. Walang kalaban. Di bale pag may nakaagaw ng korona nun. Sasayad din ang paa sa lupa. Susuko rin un sa iyo

Click to enlarge photo

Jay Ilagan

********

Niko: Makikita mo Dorina, darating ang  araw luluhod din ang mga yan sa iyo.

********

Niko: Gusto kong bumaba siya sa kanyang pedestal para maabot ko sya

********

Tiya Sioning: Iha humihingi sya ng tulong sa iyo ngayon pagkatapos ng napakaraming tulong na nagawa nya sa iyo. Tulungan ang tawag dyan hindi gamitan Dorina.

********

Tiya Sioning: Dorina ilang hakbang na lang at naroon ka na. Kung talagang gusto mong tumanaw ng utang na loob,  dun sa taong talagang  tumutulong sa iyo. para sa akin un ay si Niko at hindi si Lavinia.

Click to enlarge photo

Lorli_Villanueva

********

Lavinia: Sinira mo ang kanta, binaboy mo. Baliw ang nagsasabing isinilang na ang aking karibal.. You’ll never make it. You’re nothing but a second rate trying hard copycat

Click to enlarge photo

cherie_gil_sharon_cuneta_1 cherie_gil_sharon_cuneta_2 cherie_gil_sharon_cuneta_3

********

Dorina: nakikita ko na ang buo nyang pagkatao pati na ang kanyang kaluluwa. Pero siya at hindi ako ang basura. Sa kanyang ginawa, maliwanag na  tinatanggap nyang ako ang magiging mahigpit nyang kalaban. Pero hindi nya ako matatakot. lalabanan ko sya. Hindi dahil gusto ko siyang tulungan. Lalabanan ko siya dahil hinamon nya ako at hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang ningning ng kanyang bituin. Ibabagsak ko sya. Ibagagsak ko sya.

********

Niko: If you want to go on, go ahead… Akyatin mo ang pinakamataas

********

Niko: Maybe life is a game for Lavinia

********

Niko: Hindi madaling talikuran ang limelight, ang mga palakpak. Dorina may opio ang entablado.

********

Niko: Huwag kang maniniwala sa mga nababasa mo sa dyaryo.. Pakulo lang lahat iyon ni lavinia

********

Lavinia: Nobody snobs me

Dorina: Meron na ngayon

Lavinia: Walangya to a. Tagahanga lang kita a. Baka nakakalimutan mo, noon kulang na lang halikan mo ang aking mga paa. Panay pa ang sabit mo sa akin ng mga basura mong sampagita. Natutulog ka pa sa gate ko. You were then but an ordinary fan. Ngayon daig mo pa ang isang reyna. Basura!

Dorina: Ikaw ang basura. Noon hinahangaan kita dahil ang akala ko’y mabait ka. Ang akala koy tao ka, Sinubaybayan kita, binantayan kita minahal kita Lavinia. Tiningala kita.. Hindi ko makakalimutan ng hamakin mo ako , nang hiyain mo ako sa publiko. Mula noon isinumpa ko. Hindi lang kita papantayan Lavinia, lalampasan pa kita. Ipokrita!

Dorina: Amanos

Click to enlarge photo

cherie_gil_sharon_cuneta_4 cherie_gil_sharon_cuneta_5 cherie_gil_sharon_cuneta_6

********

Niko: Ayoko sanang sabihin sa iyo ito pero Lavinia, I’ve given you up a long time ago.. Kaya ako ang kusang lumayo sa iyo, napagod ako, nagsawa. Nagising na ako Lavinia.

********

Niko: Hindi mo alam na sa ordinaryong lansangan makakapulot ka ng ginto.

********

Lavinia: The trash! mahal mo ang isang basurang pinulot sa lansangan. Ok Niko, if this is a declaration of war, tinatanggap ko ang hamon. At sa gabi ng concert namin, panoorin mo kung paano ko  isusubsob ang Dorina pinedang iyan sa putik na kanyang pinanggalingan.

Click to enlarge photo

cherie_gil

LESSONS:

Wag kakalabanin si Ate shawie dahil ibabagsak nya kayo… ibabagsak nya kayo.

Allergic si idol Cherie Gil sa mumurahing bulaklak. Wag siyang bibigyan dahil magpapantal ang balat nya.

Wag magbabasa ng magasin sa gitna ng kalye at baka kayo ay mabundol ng isang lumang blue na sasakyan

Click to enlarge photo

sharon_reading_mag

Pero kung kayo man ay masagasaan, wag mag-aalala dahil dadalawin kayo ni Christopher de Leon

Subukang kumanta sa lamay at baka kayo din ay madiscover.

Wag iimbitahin si Cherie Gil sa launching ng inyong album kung ayaw niyong mabasa ang inyong damit.

Kaibiganin ang ex ng isang sikat na superstar upang kasangkapanin din kayong pabagsakin ang nasabing superstar at ikaw ang itatapat bilang karibal

Huwag kang maniniwala sa mga nababasa mo sa dyaryo.. pakulo lang lahat iyon ni Lavinia

Hindi madaling talikuran ang entablado kaya humarap ka na lang

Mas maganda ang boses ni Cherie Gil kesa kay Ate Shawie

Mag enrol sa Wilma Cruz-Tapalla Speech Clinic para matuto ng mga tongue twisters kagaya ng:

Peter piper picked a peck of pickled pepper

If two witches were watching two watches
Which witch would watch which watch

Can you imagine an imaginary menagerie manager
Managing an imaginary menagerie

CAST:
Dorina Pineda: Sharon CUneta
Nico Escobar: Christopher de leon
Lavinia Arguelles: Cherie Gil
Zosimo Blanco: Jay Ilagan
Larry Calma: Tommy Abuel
Gerry Diaz: Joel Torre
Edith: Chanda Romero
Tia Sioning: Lorli Villanueva
Libby: Vicky Suba
Tim: Lito Pastrana
Marnie: Timi Diwa
Butch: Eric Borlaza
Jing:Alvin Torres
MichelleL Ronald Catahan
Luds: Gemmalyn Lingad
Becky: Rose de Guzman
Mercy: Jenny Corpuz
CLub manager: Augusto VIcta
Nurse: Leila Lopez
Driver: TOny Martinez
Photographer: Robert Miclat
Reporter: eddie de leon

No Comments »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URL


Leave a Reply

Powered by WordPress. Theme: TheBuckmaker. Kredit online, Kaefig